Kalagayan ng Crew sa Barko sa Panahon ng COVID-19

Ipagbigay-alam. Gumawa ng Malusog na Mga Pagpipilian. Kumonekta sa Iba.

Ship Crew Well-Being During COVID-19 - page banner
Nakaka-stress ang Mga Pandemya

Ang paglaban sa stress sa mabubuting paraan ay makakatulong para palakasin ka, ang mga taong pinapahalagahan mo, at iyong mga kapwa miyembro ng crew. Maaaring nakaranas o nakakaranas ka ng mas matinding stress sa panahon ng pandemyang ito. Maaaring mangibabaw ang takot at pagkabalisa tungkol sa sakit na ito sa iyong kakayahang labanan ito.

Manatiling Updated

Bilang miyembro ng crew ng barko, nasa mas mataas na panganib kang malantad sa COVID-19. Gaya ng marami pang virus, lumalabas na mas madaling kumakalat ang mga virus na nagdudulot ng COVID-19 (SARS-CoV-2) sa mga tao sa mga saradong quarter sa mga barko at bangka. Maaari kang magsagawa ng mga hakbang para protektahan ang iyong sarili at ang iba mula sa COVID-19. Matuto pa tungkol sa mabubuting paraan para malabanan ang stress at manatiling konektado sa panahon ng COVID-19.

Bilang isang miyembro ng crew ng barko, paano ko mapoprotektahan ang aking sarili at ang iba?

Bahagi ng commercial shipping, kasama ang mga cruise ship at iba pang pampasaherong vessel, ang paggalaw ng malalaking bilang ng mga tao sa mga sarado at bahagyang saradong lugar. Gaya ng ibang close-contact environment, maaaring mapataas ng mga barko ang transmission ng mga respiratory virus mula sa isang tao papunta sa isa pa sa pamamagitan ng pagkakalantad sa mga respiratory droplet o pagdikit sa mga kontaminadong surface.

Gawin ang mga hakbang na ito para mabawasan ang panganib para sa iyong sarili at iba:

  • Iwasan ang close contact sa pamamagitan ng pagpapanatili ng hindi bababa sa 6 na talampakang layo (2 metro o isang dipa) sa ibang tao kapag nagtatrabaho o kumikilos sa barko.
  • Magsuot ng mas para mapanatiling natatakpan ang iyong ilong at bibig kapag nasa labas ng iyong cabin o nasa mga pampublikong lugar. Mahalaga ang pagsusuot ng mga mask para mapabagal ang pagkalat ng COVID-19.
  • Iwasan ang close contact sa sinumang may sakit.
  • Iwasan ang paghawak sa iyong mga mata, ilong, at bibig gamit ang mga kamay na hindi pa nahuhugasan.
  • Hugasan ang iyong mga kamay nang madalas gamit ang sabon at tubig sa loob ng hindi bababa sa 20 segundo. Kung walang magagamit na sabon at tubig, gumamit ng hand sanitizer na may hindi bababa sa 60% alcohol. Isang mahalagang pag-iingat ang wastong hygiene sa kamay para protektahan ang iyong sarili at mapigilan ang pagkalat ng sakit.
    • Kasama sa mga oras na dapat linisin ang mga kamay sa pangkalahatan ang:
      • Bago, habang, at pagkatapos maghanda ng pagkain
      • Bago at pagkatapos kumain
      • Pagkatapos gumamit ng banyo
      • Pagkatapos suminga, umubo, o bumahing
      • Bago at pagkatapos hawakan ang iyong mask
      • Bago at pagkatapos mag-alaga ng may sakit
    • Kasama sa mga karagdagang oras na dapat linisin ang mga kamay habang nagtatrabaho ang:
      • Bago at pagkatapos ng mga oras ng trabaho
      • Bago at pagkatapos ng mga pahinga sa trabaho
      • Bago at pagkatapos humawak ng mga item na madalas hawakan, gaya ng mga service cart para sa pagkain
      • Pagkatapos magligpit ng mga tirang pagkain at hindi naitatapon na gamit para sa paghahanda ng pagkain
      • Pagkatapos humawak ng maruruming surface tulad ng mga sahig, pader, at maruruming carrier at equipment
      • Pagkatapos hawakan ang linen na ginamit na ng ibang tao
  • Makilahok sa mga pang-araw-araw na pagsusuri sa temperatura sa barko, kung kinakailangan, at bantayan ang iyong kalusugan para sa mga sintomas ng COVID-19.
  • Kung masama ang pakiramdam mo, manatili sa iyong cabin at sabihin sa medikal na tauhan ng iyong barko, sa iyong supervisor, o iyong kapitan, para makapagsagawa ng mga wastong pag-iingat para sa iyo at sa iba pang miyembro ng crew na nasa barko.
  • Sundin ang mga protocol sa isolation at quarantine kapag pinayuhan ng medikal na tauhan na gawin ito. Alamin ang tungkol sa mga protocol ng iyong vessel kung sakaling magkasakit ka o ang sinumang nasa barko.
  • Linisin at i-disinfect araw-araw ang mga surface na madalas hawakan (mga mesa, doorknob, switch ng ilaw, countertop, handle, desk, telepono, keyboard, banyo, gripo, at lababo). Sundin ang mga tagubilin sa label ng mga produktong panlinis.
  • Magsuot ng personal na kagamitang pamproteksyon (personal protective equipment, PPE), kapag kinakailangan, para magsagawa ng ilang partikular na gawain sa trabaho. Makipag-ugnayan sa iyong supervisor, kapitan, o sa medikal na tauhan ng iyong barko para sa higit pang impormasyon tungkol sa PPE.
  • Gumamit ng guwantes kapag:
    • Humahawak ng mga item para sa pagkain gaya ng mga baso, utensil, at serving tray na ginamit ng ibang tao
    • Humahawak ng mga linen na ginamit na ng ibang tao
    • Naglilinis ng mga posibleng kontaminadong surface
    • Nagliligpit ng basura
  • Hugasan ang iyong mga kamay pagkatapos alisin ang guwantes.
  • Alagaan ang iyong emosyonal na kalusugan at kalusugan ng pag-iisip at isapriyoridad ang pagkuha ng sapat na tulog.

Isolation at Quarantine

Inilalayo ng isolation sa ibang tao ang sinumang may nakakahawang sakit.

Inilalayo ng quarantine sa ibang tao ang sinumang posibleng nalantad sa nakakahawang sakit.

Paano ko mapapangalagaan ang kalusugan ng aking pag-iisip?

Posibleng nakaka-stress ang COVID-19 pandemic na ito para sa crew. Sobrang bigat sa pakiramdam ng takot at pagbalisa dahil sa sakit na ito at ng maaaring mangyari. Dahil sa mga pagkilos para sa pampublikong kalusugan, gaya ng pagpapanatili ng distansya mula sa ibang tao, maaaring makaramdam ang crew ng pag-iisa at lungkot, at maaaring makadagdag ang mga ito sa stress at pagkabalisa, kahit na kinakailangan ang mga pagkilos na ito para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Matuto pa tungkol sa stress habang nasa barko sa panahon ng COVID-19 [PDF – 1 pahina].

Marami kang magagawa para mapangalagaan ang iyong pisikal na kalusugan at kalusugan ng iyong pag-iisip, na makakatulong sa iyong maging mas malusog at matatag sa panahong ito ng pagsubok.

Bisitahin ang webpage ng CDC na Stress at Paglaban para matuto pa tungkol sa pangangalaga sa kalusugan ng iyong pag-iisip. Maraming tool ang webpage na ito, kasama ang mga numero ng telepono at link sa online chat para sa mga resource ng kalusugan ng pag-iisip.

Mga Karagdagang Resource
  • Kumusta Ka Ngayon: Nagbibigay ng inspirasyon at mga resource na makakatulong sa iyong maunawaan ang iyong nararamdaman.
  • Paglaban sa Stress ng CDC: Nagbibigay ng impormasyon sa mabubuting paraan para makontrol ang stress sa panahon ng pandemya.
  • Kalungkutan at Kawalan ng CDC: Nagbibigay ng impormasyon para sa mga nawalan ng mahal sa buhay o tumutulong sa bata na malabanan ang kalungkutan.
  • Pagbawas sa Stigma ng CDC: Nagbibigay ng impormasyon kung paano mapipigilan at matutugunan ang social stigma na nauugnay sa COVID-19.
  • Pang-aabuso sa Alak at Substance ng CDC: Nagbibigay ng mga suhestyon at resource para sa sinuman o sa kilalang gumagamit o dumadalas ang paggamit ng alak o iba pang substance.

Ano ang mga senyales ng stress?

Magkakaiba ang reaksyon ng lahat sa mga nakaka-stress na sitwasyon. Ang mga ito ay maaaring mga epekto ng stress sa pisikal at emosyonal na kalagayan:

  • Takot at pangamba sa iyong sariling kalusugan at sa kalusugan ng iyong mga mahal sa buhay, sa iyong pinansyal na sitwasyon o trabaho, o sa pagkawala ng mga serbisyo ng suporta na inaaasahan mo
  • Mga pagbabago sa mga pattern ng pagtulog o pagkain
  • Hirap sa pagtulog o pagpokus
  • Paglala ng mga hindi gumagaling na problema sa kalusugan
  • Paglala ng mga kundisyon sa kalusugan ng pag-iisip
  • Pagdalas ng paggamit ng tabako, alak, o iba pang substance

Matuto pa tungkol sa mabubuting paraan para malabanan ang stress.

Ano ang dapat kong gawin kung kailangan ko ng karagdagang suporta sa kalusugan ng pag-iisip?

Ang pinahabang quarantine at pagtatrabaho sa dagat nang mas matagal ay maaaring maging napakahirap. Makipag-ugnayan sa medikal na tauhan o kapitan ng iyong barko, i-access ang mga available na resource ng iyong kumpanya, o tumawag sa numero ng emergency ng barko kung kailangan mo o ng taong kilala mo ng tulong.

Alamin ang mga senyales ng stress. Maaaring makaranas ka o ang taong kilala mo ng mas matinding stress sa panahong ito ng pandemya. Sobrang bigat sa pakiramdam ng takot at pagkabalisa.

Makipag-ugnayan sa medikal na tauhan o kapitan ng iyong barko, i-access ang available na resource ng kumpanya, o tumawag sa numero ng emergency ng barko kung magkakaroon ng epekto ang stress sa iyong pang-araw-araw na aktibidad sa loob ng ilang magkakasunod na araw. Matuto tungkol sa Mga Tip para sa Pakikipag-usap sa Iyong Provider ng Pangangalagang Pangkalusugan.

Kanino ako dapat makipag-ugnayan kung naiisip kong saktan ang aking sarili?

Makipag-ugnayan sa medikal na tauhan o kapitan ng iyong barko, i-access ang mga available na resource ng iyong kumpanya, o tumawag kaagad sa numero ng emergency ng barko kung kailangan mo o ng taong kilala mo ng tulong.

Napag-alamang nakakapagpataas ng panganib ng pagpapatiwakal ang mga pakiramdam ng pag-iisa, depresyon, pagkabalisa, at iba pang emosyonal o pinansyal na stress. Mas malaki ang posibilidad na makaranas ang mga tao ng mga ganitong pakiramdam sa panahon ng krisis tulad ng pandemya.

Gayunpaman, may mga paraan para maprotektahan laban sa pag-iisip na magpatiwakal o mga gawing nauugnay sa pagpapatiwakal. Halimbawa, makakatulong ang suporta mula sa pamilya, mga faith-based at secular na komunidad at pagkakaroon ng access sa personal o virtual na counseling o therapy para malabanan ang pag-iisip na magpatiwakal at mga gawing nauugnay sa pagpapatiwakal, partikular na sa panahon ng krisis tulad ng COVID-19 pandemic.

Mga Resource para sa Pagpigil sa Pagpapatiwakal at Krisis:

Mga International na Resource:

Kung mayroon akong medikal na emergency, maaari ba kong bumaba sa aking barko?

Oo. Dapat humiling ng mga emergency na medikal na evacuation sa pamamagitan ng medikal na tauhan o kapitan ng iyong barko.

Piliin ang Makabubuti sa Kalusugan

Magkakaiba ang reaksyon ng lahat sa stress. Mahahalaga at mabubuting paraan ang pangangalaga sa iyong pisikal at emosyonal na kalusugan para malabanan ang stress.

Narito ang ilang bagay na magagawa mo para malabanan ang mga nakaka-stress na sitwasyon:

  • Alamin kung ano ang gagawin kung may sakit ka at nag-aalala ka tungkol sa COVID-19. Makipag-ugnayan sa medikal na provider ng barko at magsagawa ng mga hakbang para protektahan ang ibang taong nasa barko.
  • Alamin kung saan at paano kumuha ng paggamot at iba pang serbisyo ng suporta at resource, kasama ang counseling o therapy (personal sa pamamagitan ng medikal na tauhan ng iyong barko o sa pamamagitan ng mga serbisyo ng telehealth).
  • Ang pangangalaga sa iyong emosyonal na kalusugan ay makakatulong sa iyo na makapag-isip nang maayos at aksyunan ang mga agarang pangangailangan para protektahan ang iyong sarili, iyong kapwa crew, at iyong pamilya.
  • Magpahinga sa panonood, pagbabasa, o pakikinig ng balita, kasama iyong mga nasa social media. Nakakabagabag kung paulit-ulit na naririnig ang tungkol sa pandemya.
  • Pangalagaan ang iyong katawan.
  • Maglaan ng oras sa pagpapahinga. Subukang gumawa ng iba pang aktibidad na kinawiwilihan mo.
  • Makipag-ugnayan sa iba. Makipag-usap sa mga taong pinagkakatiwalaan mo tungkol sa iyong mga alalahanin at kung ano ang nararamdaman mo.
  • Makipag-ugnayan sa iyong komunidad. Habang ipinapatupad ang mga pag-iingat na nauugnay sa social at physical distancing, pag-isipang makipag-ugnayan online, sa pamamagitan ng social media, o sa pamamagitan ng telepono o mail.

Ako ang supervisor o nakatalagang medikal na tauhan ng barko. Ano ang magagawa ko para suportahan ang kalusugan ng pag-iisip ng mga miyembro ng crew?

May mahalagang tungkulin ang mga medikal na tauhan o supervisor sa pagsuporta sa kalusugan ng pag-iisip ng crew. Narito ang ilang aktibidad na magagawa mo para masuportahan ang crew:

Makipag-ugnayan sa Iba

Sa panahon ng pagpapaigting ng social at physical distancing, maaari pa ring makipag-ugnayan ang mga tao sa isa’t isa at pangalagaan ang kalusugan ng kanilang pag-iisip. Makakatulong sa iyo at sa mga mahal mo sa buhay ang mga tawag sa telepono o video chat para maramdamang malapit sa iba at maibsan ang lungkot at pag-iisa.

Paano ako magpapatuloy sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao habang nakasakay sa vessel?

  • Makipag-usap sa mga taong pinagkakatiwalaan mo tungkol sa iyong mga alalahanin at kung ano ang nararamdaman mo.
  • Habang ipinapatupad ang mga pag-iingat na nauugnay sa social at physical distancing, pag-isipang makipag-ugnayan online, sa pamamagitan ng social media o telepono.

Paano ako magiging matatag at paano ko makokontrol ang stress sa trabaho?

Malamang na binago ng COVID-19 pandemic ang paraan ng iyong pagtatrabaho. Sobrang bigat sa pakiramdam ng takot at pagkabalisa tungkol sa sakit na ito at iba pang matitinding emosyon, at maaaring humantong sa burnout ang stress sa lugar ng trabaho. Makakaapekto ang paraan ng paglaban mo sa mga emosyon at stress na ito iyong kalagayan, sa kalagayan ng mga taong pinapahalagahan mo, sa iyong kapwa crew, at sa iyong komunidad. Mahalagang matukoy mo kung ano ang stress, magsagawa ka ng mga hakbang para maging matatag at makontrol ang stress sa trabaho, at alamin kung saan ka pupunta kung kailangan mo ng tulong.

Makipag-ugnayan sa iyong mga katrabaho, supervisor, at empleyado tungkol sa stress sa trabaho habang nagpapanatili ng social at physical distancing. Tukuyin ang mga bagay na nagdudulot ng stress at magtulungan para matukoy ang mga solusyon. Hayagang ipahayag kung paano nakakaapekto ang pandemya sa iyong trabaho at personal na kalagayan.

Alamin kung saan ka pupunta kung kailangan mo ng tulong o higit pang impormasyon.

Kung naiisip mo o ng taong kilala mo na saktan ang sarili:

Mga Resource ng Komunikasyon para sa Mga Inforgraphic ng Crew
COVID-19: Stress Habang Nasa Barko
COVID-19: Stress Habang Nasa Barko

Mabubuting Paraan para Malabanan ang Stress Habang Nasa Barko
Mabubuting Paraan para Malabanan ang Stress Habang Nasa Barko

Iulat ang Mga Sintomas ng COVID-19
Iulat ang Mga Sintomas ng COVID-19

Mga Kinakailangan sa Pagbaba sa Barko ng Crew
Mga Kinakailangan sa Pagbaba sa Barko ng Crew

Mga Operator at Namumuno ng Cruise Ship

Para sa impormasyon tungkol sa mga paraan para protektahan ang kalusugan ng mga miyembro ng crew, tingnan ang Pansamantalang Gabay para sa Mga Barko tungkol sa Pamamahala sa Mga Pinaghihinalaan o Kumpirmadong Kaso ng COVID-19 at Mga Teknikal na Tagubilin para sa Pagpapababa ng COVID-19 sa Crew ng Cruise Ship ng CDC.